dRaWiNg
unang beses ko narinig ang salitang "drawing" sa kaibigan ko. tandang-tanda ko pa ung araw na un, nsa labas kami ng simbahan at ngkukwentuhan, January 1 un..
sabi nya habang nagyayabang ako sa kanya:
"buti pa kayo may barkada outing. kami kasi ala, drawing kasi ang mga[barkada nya] yun."
for 3 minutes nag hang ako. di ko kasi kaagad na-gets sinabi nya. drawing? ano yun? bago yun ah.. pero syempre, kunwari quick ako.. todo smile para di ako mpahiya..
after 20 years, na-realize ko din ang meaning ng salitang 'drawing'. kung sa thesaurus eh sketch, ganun din sa lengwahe ng kaibigan ko.. 'drawing' ka kung lambang ka.. yun bang tipong hanggang salita ka lang, pero kulang sa gawa.. hanngang plano ka lang...yun pala yun... ang bobo ko talaga!
tapos na-realize ko na kahit ako pala ay isang drawing din. 'di lang pala yung barkada ng kaibigan ko.. di pala ako kasali sa exemption..
isa nga palang malaking sketch ang buhay ko.. panay plano pero ala naman nangyayari... lambang ako.. di ko nga alam kung may future ba ako..
ntatakot tuloy ako n bka dahil sketch nga lang ang buhay ko, di na matapos, baka gusutin n lang at itapon para mkagawa ng panibago - kung meron mang pag-asang may panibagong gladys.. haaayyy...
